Ellen Adarna at Filo Cucueco, sumuko na rin sa Survivor Philippines

Matapos mag-quit ang tandem nina Jackie Foster at Angelicopter, sumunod na umayaw sa hit reality series na Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ang magkasintahang Ellen Adarna at Filo Cucueco. Ang romantic couple nina Ellen at Filo ang isa sa mga pares sa bagong season ng Survivor Philippines na inaabangan ng mga manonood, ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.. Sa nakaraang panayam, sinabi ni Ellen na siya ang naghikayat kay Filo na sumali sa Survivor. Kaya naman nang makita niyang hindi na makatitiis sa isla ang nobyo, nagdesisyon din siyang umalis na. Kahit sandali lang nanatili sa isla, sinabi ni Ellen na nasurpresa siya sa ipinakita ni Filo sa pamumuhay bilang kapwa castaway. "The decision is to quit because in the first place, I forced Filo to join this. His heart isn’t in it," emosyunal na pahayag ni Ellen. “And now he wants to quit and as I said before anything that would try to break us apart which is kind of happening now, I don’t want that to happened because I value our relationship more than the game," dagdag niya. Ang tandem nina Ellen at Filo ang ikatlong pares na naalis sa isla. Una ay ang tambalan nina Aifha Medina at Alyssa Alano na na-vote out ng tribu, habang nag-quit naman sina Jackie Foster at Angelicopter. Sa nakaraang episode ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, binansagan ng host na si Richard Gutierrez ang kasalukuyang grupo ng mga castaway na pinaka-mareklamo na kanyang nakasama sa reality series. -- FRJimenez, GMA News

--

Get stories like this on the Yahoo app and discover more every day.
Download it now.
Loading...

Latest News