It's official: Mar Roxas is new DILG chief

Thea Alberto-Masakayan
Yahoo! Southeast Asia Newsroom
31 August 2012

(UPDATE) President Benigno "Noynoy" Aquino III has officially appointed his ally, Telecommunications Secretary Manuel "Mar" Roxas to the plum Interior and Local Government post.

At the same time, Aquino appointed Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya to replace Roxas as Telecommunications chief.

"Sa pagtatalaga natin kina Mar at Jun, kumpiyansa tayong higit pang mapapabilis ang pag-usad natin sa tuwid na daan," Aquino said in a press conference Friday.

Aquino said he appointed the two to ensure that the administration's agenda for change will push through. He also asked the Commission on Appointments to immediately confirm Roxas and Abaya.

"Mar was at the top of the very short list," added Aquino when asked if he had a hard time deciding who to appoint, amid many suggested names including Senator Panfilo Lacson, Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte, and Vice President Jejomar Binay.

When asked about the late Interior Secretary Jesse Robredo's similarities with Roxas, Aquino said: "Robredo and Mar, they both share my trust, my complete trust."

"Kapag maling tao ang inilagay mo diyan, magsasamantala sa pwesto. Pangalawa, Kasipagan," he added.

"Mar is very capable to handle this job. He will put in his own personal style," said Aquino, adding that Roxas can pick his workmates at the department and bring in some if necessary.

As DILG Chief, Roxas has power over local government units nationwide, the Philippine National Police, and the Bureau of Fire Protection.

In his announcement statement, Aquino said: "Isang taong may kakayahang kumilos at tumugon sa tawag ng paglilingkod, at magsilbing tulay upang tiyakin na mula sa kapulisan hanggang sa lokal na pamamahala, tumatahak nang nagkakaisa tungo sa iisang direksyon ang ating bansa. Sino pa nga ba ang sasalamin sa lahat ng katangiang ito kundi ang Pangulo ng aming partido na si Kalihim Mar Roxas."

Roxas was Aquino's running mate in the 2010 Presidential elections. Roxas is also the Liberal Party president.

More stories:

Roxas: I have big tsinelas to fill

Critics: Roxas appointment is traditional politics

Aquino's appointment speech: (from Gov.ph)


Statement of President Aquino on the appointment of Mar Roxas as Secretary of the Interior and Local Government, August 31, 2012

Pahayag ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III, Pangulo ng Pilipinas
Ukol sa pagtatalaga kay Mar Roxas bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal

[Inihayag noong ika-31 ng Agosto 2012]

Noong nagpasya tayong kumuha ng katuwang sa tuwid na daan, pinakiusapan natin si Mar na maging bise presidente. Kailangan natin ng isang taong may katulad na layunin; kailangan natin ng isang kabalikat na magsusulong din ng lahat ng mga prinsipyong ipinaglalaban natin. Sa kanya ako nagtiwala: Anuman ang mangyari, alam kong itutuloy ni Mar ang mga ipinaglalaban natin, at oras na hingin nating sumabak siya sa anumang giyera, hindi niya tayo bibiguin. Kung maaalala ninyo, hiningi rin natin noong 2011 ang kaniyang agarang pagresponde sa DOTC, at hindi siya nag-atubiling paunlakan tayo. Mas bihasa man siya sa pinansyal na sektor, saksi tayo sa pagpapakitang-gilas niya sa DOTC.

Wala tayong ibang hangad kundi ang mapabilis na mapitas ang mga bunga ng ipinupunla nating pagbabago. Sa pagpanaw ni Kalihim Jesse Robredo, nangamba tayo sa posibilidad na maaaring madiskaril ang mga butil ng pagtitiyaga at tapat na pamamahala ni Jesse. Napakarami kong iniatas kay Kalihim Jesse Robredo, lalo na ang mga bagay na maselan at kompidensyal. Kaya naman kailangan natin ng isang indibidwal na didilig at magpapalago sa atin pong agenda. Isang taong may kakayahang kumilos at tumugon sa tawag ng paglilingkod, at magsilbing tulay upang tiyakin na mula sa kapulisan hanggang sa lokal na pamamahala, tumatahak nang nagkakaisa tungo sa iisang direksyon ang ating bansa. Tama lang naman po na ang pinuno ng isa sa mga pinakamatandang partidong pulitikal sa bansa ang makikipag-usap sa mga pulitiko. Sino pa nga ba ang sasalamin sa lahat ng katangiang ito kundi ang Pangulo ng aming partido na si Kalihim Mar Roxas. Itinatalaga natin siya ngayon bilang bagong kalihim ng Interior and Local Government. Binibigyan natin si Mar ng kalayaang pumili ng mga kasamahan niya sa DILG, gayundin ng mga pinuno ng mga ahensya sa ilalim nito.

Sa pagsabak ni Mar sa DILG, kailangang mahusay din ang pupuno sa iiwan niyang puwesto sa DOTC. At tiwala naman tayo sa kakayahan ni Joseph Emilio Aguinaldo Abaya. Nagtapos siya sa Philippine Science High School, nanguna sa entrance exam ng Philippine Military Academy at pinag-aral sa U.S. Naval Academy sa Annapolis, at may masters sa engineering sa Cornell University. Abugado rin po siya na nagtapos sa Ateneo Law School. Ngunit hindi limitado sa samu’t saring propesyon at mga natanggap na sertipiko ni Jun ang tunay na saklaw ng pagseserbisyo niya sa kapwa at sa bansa. Bilang pinuno ng Appropriations Committee sa Kamara, siya ang punong-tagapagtanggol sa mga proyektong itinutulak ng gobyerno, kaya alam na alam niya ang mga proyektong ito. Bilang Secretary General namin po sa aming partido, nakaatang sa kanya ang mga sensitibo at mabibigat na responsibilidad. Saksi ako sa dedikasyon at katapatan niya sa kaniyang trabaho: nang nagkasama kami sa Kamara, umabot sa puntong talo na ang inihain naming impeachment complaint, at inabangan na lang namin ang pagparusa ng dating pangulo sa amin. Nilapitan ko siya noon, at sinabing maaari naman siyang umiwas na lang at huwag nang sumabak sa laban na ito. Bilang hepe ng LP sa Kongreso ng panahong iyon, sabi ko, walang samaan ng loob dito; alam kong kailangan mo ring intindihin ang distrito mo, lalo pa’t mukhang malabong umusad ang impeachment complaint laban sa dating Pangulo. Pero pinili niyang itaya ang kanyang kinabukasan sa pulitika para panindigan ang tama. Walang pag-aalinlangan niyang sinabing: tataya ako dito. Ang ganitong katangian ang kinakailangan natin sa DOTC. Alam nating kung mapupunta sa maling kamay ang liderato ng ahensyang ito, madaling pagsamantalahan ang mga proyektong napakalaki, at napakateknikal kaya madali ring itago sa publiko. Kumpiyansa tayong maipagpapatuloy ni Jun ang mga proyekto sa DOTC. Hindi malilihis ng landas ang ahensya, at magsisilbi pa siyang mabuting ehemplo para sa lahat ng kawani nito.

Kaugnay nito, nakikiusap po tayo sa Commission on Appointments sa Kongreso na ikumpirma sa lalong madaling panahon sina Mar at Jun. Hindi po sila makakaupo hangga’t hindi sila nako-confirm ng Commission on Appointments. Kailangan na po natin sila upang agad na ring maka-arangkada ang mga proyekto’t inisyatiba ng kani-kanilang kagawaran, at ng buong bayan.

Sa pagtatalaga natin kina Mar at Jun, kumpiyansa tayong higit pang mapapabilis ang pag-usad natin sa tuwid na daan. Nananalig tayo sa suporta ng taumbayan upang matiyak na malampasan natin ang mga hamon na atin pang haharapin, at siguruhing hindi na kailanman aatras sa baku-bakong kalakaran ang ating bansa.

Maraming salamat po. Magandang hapon.